Sinimulan na ngayong araw ang China at ASEAN Members Seminar para talakayin ang pagpapatupad ng 2002 Declaration of Conduct of Parties in the South China Sea.
Ang seminar ay ginawa ngayon araw sa Maynila, hanggang bukas August 29.
Ayon kay DFA o Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, layon ng pagpupulong na makamit ang tiwala at kumpiyansa ng mga bansang bahagi ng South China Sea issue.
Mahalaga din aniya ang pagpupulong na ito upang matiyak ang peace and stability sa South China Sea, maiwasan ang maritime accident at protektahan ang marine environment.
Kasama sa seminar ang mga senior diplomats, policy-makers and maritime cooperation scholars mula sa mga miyembrong bansa ng ASEAN at China.
Ito na ang pangalawang pagkakataon na pinangunahan ng Philippine Department of Foreign Affairs ang diskusyon para sa mapayapang pagresolba ng sigalot sa South China Sea.
By Meann Tanbio
SMW: RPE