Muling binuhay ang usapin ng pagtatatag ng Department of Overseas Filipino Workers.
Ito ay matapos aminin ni Presidential Adviser on O.F.W.S. Secretary Abdullah Mamao na umaasa pa rin siyang tutuparin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangakong magtatag ng nasabing departamento.
Kabilang sa mga pangako ni Pangulong Duterte noong nangampanya sa pagka-presidente noong 2016 ang paglikha ng Department of OFW.
Inihayag ni mamao na sakaling aprubahan ng kongreso ay malaki ang tsansa na makapagpasa ng batas para sa paglikha ng bagong kagawaran sa katapusan ng taon. —sa panulat ni Drew Nacino