Ipinauubaya na ng Malakanyang sa mababang kapulungan ng kongreso ang pagpapasiya sa usapin sa operasyon ng mga motorcycle taxis.
Ito’y ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ay dahil ini-endorso na ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases sa House Committee on Transportation ang hirit ng mga alkalde sa Metro Manila.
Kaugnay ito sa pagpapatuloy ng isinagawang pilot study ng pamahalaan sa operasyon ng mga motorcycle taxis tulad ng angkas habang wala pang nararapat na batas hinggil dito.
Layun ng pag-aaral ang matukoy kung naaangkop na gawin bilang pampublikong transportasyon ang mga motorsiklo na kasaluyang ipinagbabawal sa ilalim ng RA 4136 o Land Transportation and Traffic Code.
Magugunitang, napaso noong Abril ang ikinasang pilot study sa mga motorcycle taxis nang wala pang naipapasang batas kongreso para sa operasyon ng mga ito.