Panahon na upang tuldukan at mag-move on sa usapin ng pagpapalibing kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa libingan ng mga bayani
Reaksyon ito ng palasyo sa gitna ng maraming pagtutol mula sa mga anti-Marcos groups na tumututol sa nasabing hakbang
Ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella, nagsalita na ang Pangulo hinggil sa usapin kaya’t dapat na itong tanggapin at igalang ng lahat
Kung kuwalipikasyon lamang ang pag-uusapan, sinabi ni Abella na kuwalipikado ang dating Pangulo bilang isang dating sundalo at bilang naging Pangulo ng Republika ng Pilipinas
By: Jaymark Dagala / ( Reporter No. 23 ) Aileen Taliping