Nakatakdang hamunin ni U.S. President Barack Obama ang China sa oras na magpulong ang mga APEC Leaders sa Pilipinas ngayong linggo.
Ayon kay dating U.S. Ambassador to Asian Development Bank Curtis Chin, imposibleng hindi mabuksan sa APEC meeting ang issue ng territorial dispute lalo’t hindi naman maaaring paghiwalayin ang economic at non-economic issue sa panahon ngayon.
Hindi aniya maikakaila na malaking usapin ang agawan ng teritoryo sa South China Sea lalo’t kung nakaaapekto na ito sa ekonomiya ng mga claimant at iba pang bansang ginagamit ang nabanggit na karagatan sa kalakalan.
Samantala, bagaman inihayag ng China na hindi na dapat buksan ang naturang usapin sa APEC Meeting, sinabi naman ni US National Security Advisor Susan Rice na magiging “central issue” pa rin ang maritime security at freedom of navigation sa 3 araw na pagbisita ni Obama sa Pilipinas.
By Drew Nacino