Tutulak si Pangulong Noynoy Aquino sa bansang Japan ngayong araw na ito.
Layon ng pagbisita na patibayin pa ang relasyon ng Japan at Pilipinas.
Sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesman Charles Jose, bibitbitin ng Pangulo sa kanyang byahe ang usapin sa tumitinding sitwasyon sa West Philippine Sea.
Pag-uusapan rin ang isyu patungkol sa ekonomiya at regional security.
By Rianne Briones