Malabo na mapag-usapan sa pagdating sa bansa ni Japanese Emperor Akihito ang isyu patungkol sa mga natitirang comfort women.
Sinabi ni Presidential Communications Development and Strategic Planning Office Undersecretary Manolo Quezon III na ipinapaubaya na ng palasyo sa Department of Foreign Affairs ang nasabing usapin.
Nauna nang inihayag ni University of the Philippines Professor Ricardo Jose na dapat samantalahin ng Pangulong Noynoy Aquino ang state visit ni Emperor Akihito sa Enero 26 para iparating ang comfort women issue.
Naniniwala Jose na hindi pa naitatama ang aniya’y pagkakamali sa kasaysayan at hindi pa naibibigay ang hustisya sa mga kababaihang ginahasa ng sinasabing miyembro ng Japanese imperial army noong World War II.
By: Meann Tanbio