Tatlong usapin ang tinututukan ng Trade Union Congress of the Philippines (TUCP) kaugnay sa biglaang anunsyo nang pagsasara ng operasyon ng Honda Philippines.
Kabilang dito ayon kay TUCP Spokesman Allan Tanjusay ay ang pag-iwas ng Honda Philippines sa imbestigasyon ng Department of Trade and Industry (DTI) hinggil sa safeguard measures na hinihingi ng Philippine Metal Workers Alliance matapos dumami ang imported na sasakyan sa bansa dahilan kaya’t nawalan ng trabaho ang maraming empleyado sa nasabing sektor.
Tinututukan din aniya nila ang ipinatutupad na dagdag buwis o train 1 na maaaring hindi na nakayanan ng honda philippines kayat isasara na nito ang kanilang operasyon gayundin ang citira o train 2.
Tinigtinan din natin yung dahilan na wala ng bumibili ng sasakyan dahil tumaas ang gasolina dulot pa din ito ng TRAIN 1 excise tax. Isa pang dahilan nakikita namin na umiiwas ang Honda Cars Philippines, second package ng TRAIN ito yung Citira, kung saan kapag ito ay natupad tatanggalin yung mga insentibo ng mga company na nakukuha nila sa gobyerno kung kaya’t mas malaki ang kanilang gastusin kapag tinanggal ang mga insentibo nito,” ani Tanjusay. — panayam mula sa Balitang Todong Lakas.