Inaasahang tatalakayin ang ceasefire at amnesty sa susunod na usapang pangkapayapaan sa Oslo, Norway sa Huwebes.
Ayon kay Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, umaasa silang makapagbalangkas ng Ceasefire agreement na pangmatagalan at kabibilangan ng joint monitoring na may third party observer.
Samantala, sinabi ng pinuno ng government peace panel at Labor Secretary Silvestre Bello III, handa na draft amnesty proclamation at isusumite na lamang ito sa ikalawang bugso ng peace talks.
Nilinaw ni Bello na tanging ang mga nakakulong na miyembro ng National Democratic Front ang saklaw ng nasabing amnestiya.
By: Avee Devierte