Tiwala si Philippine Ambassador to Russia Carlos Sorreta na makikinabang ang mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa Russia sa pagbisita ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Sorreta, kanyang inaasahan na babanggitin ng Pangulo kay Russian President Vladimir Putin ang ilang mga usapin hinggil sa pagbibigay ng proteksyon at seguridad ng mga OFW’s doon.
Sinabi ni Sorreta, sa mga nakalipas na taon kapuna-puna ang pagdami na ng mga Pilipino na nagtutungo sa Russia para magtrabaho.
Nasa 90% aniya ng mga ito ay mga kababaihan na pumapasok bilang mga household workers na karamihan aniya ay walang legal na visa.
I hope and I believe the President will raise it with the President Putin dahil mahalaga ang overseas Filipino’s kay Presidente, I cannot imagine him not raising it and putting his advocacy behind it kapag nangyari yun malaking tulong sa efforts po namin on the ground to work out the details,” ani Sorreta.