Inilatag ng Commission on Elections ang ilang usaping tatalakayin para sa unang serye ng Pilipinas debates 2016 mamayang hapon.
Ayon kay COMELEC Spokesman James Jimenez, tatanungin ang limang kandidato sa pagkapangulo kung ano sa tingin nila ang dapat gawin sa iba’t ibang malalaking usaping bumabalot sa bansa.
Una itatanong kung anong polisiya ng Pangulong Noynoy Aquino ang sa kanilang tingin ay dapat ipagpatuloy o dapat itigil.
Ikalawa ay ang problema sa peace and order situation ng bansa gayundin ang problema sa kahirapan.
Lilinawin din ng mga kandidato sa pagkapangulo ang kani-kanilang mga posisyon hinggil sa usapin ng charter change at marami pang iba.
By: Jaymark Dagala