Tiniyak ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) na hindi nila iaabandona ang kasunduang pangkapayapaan na pinasok nila kasama ang pamahalaan.
Ayon kay MILF Chief Negotiator Mohagher Iqbal, ito ay kahit hindi mapagbigyan ang kanilang kahilingan na maibalik ang 28 probisyon sa Bangsamoro Basic Law (BBL), na una nang tinanggal ng mga mambabatas.
Kahapon ay nagkaroon ng closed door meeting si Iqbal at ang ilang mambabatas.
Una nang sinabi nina Congressman Rufus Rodriguez at Neptali Gonzales na hindi nila matitiyak na maibabalik sa BBL ang 28 probisyon lalo na at isasalang na sa plenaryo ang panukalang batas.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)