Umabot na sa Chile at Argentina ang usok na likha ng magaganap na bush fires sa Australia.
Ayon kay Chile Meteorology Chief Patricio Urra, kanilang nakita ang epekto ng bush fire sa pamumula ng araw matapos umakyat ang usok sa taas na 6,000-meters above sea level.
Sinabi ni Urra, hindi naman nila nakikitang magkakaroon ito ng masamang epekto o magdudulot ng panganib sa mga taga-Chile.
Samantala, batay sa ipinalabas na satellite image ng Argentine Meteorological Service, gumagalaw ang mga ulap ng usok mula Kanluran patungong Silangan dahil sa frontal system.