Humarap na sa National Bureau of Investigation (NBI) si Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Deputy Commissioner Mocha Uson.
Kaugnay ito sa subpoena ng NBI kay Uson na nag-ugat sa di umano’y pagpapakalat nito ng fake news.
Matatandaan na nag post si Uson ng larawan ng mga safety gears para sa frontliners na di umano’y binili ng pamahalaan.
Gayunman, lumilitaw na kabilang sa mga sinasabi nyang binili ng gobyerno ay pag-aari ng mga private foundation.