Malaya ang sinumang tumakbo sa anumang posisyon sa gobyenro.
Ayon ito kay Senador JV Ejercito bilang reaksyon sa report na plano umanong tumakbong senador ni MTRCB Board Member Mocha Uson.
Sinuman aniyang nais maglingkod sa bayan ay hindi maaaring pigilan sa pagtakbo sa isang posisyon sa gobyerno tulad ng pagiging senador.
Sinabi ni Ejercito na posibleng nahikayat si Uson na tumakbong senador dahil sa dami ng followers nito sa social media bagamat masusubukan pa kung sapat ang pagkakaroon ng maraming followers para magtagumpay sa pagtakbong senador ang kontrobersyal na MTRCB board member.
By Judith Larino |With Report from Cely Bueno