Ginisa ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang dean ng University of Santo Tomas o UST Civil Law na si Atty. Nilo Divina.
Ito ay kaugnay sa pagpapatuloy ng pagdinig ng senado kaugnay sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio “Atio” Castillo III.
Kinuwestyon ni Senador Juan Miguel Zubiri kung bakit hindi agad ipinagbigay alam ni Divina sa mga magulang ng biktima ang impormasyon tungkol sa sinapit ni Castillo.
Paliwanag ni Divina, tanging apelyido lamang ang hawak niyang impormasyon nang mga panahong iyon kaya’t hindi niya batid kung paano hahagilapin ang pamilya ng biktimang si Castillo.
PAKINGGAN: Bahagi ng pagdinig ng senado kaugnay sa ‘Atio’ hazing case
Samantala, nakitaan naman ni Senadora Grace Poe ng conflict of interest ang panig si Divina bilang dean ng UST civil law, bilang miyembro ng Aegis Juris Fraternity habang ang law firm din nito ang humahawak sa imbestigasyon ng UST kaugnay ng nangyari umanong hazing.
PAKINGGAN: Bahagi ng pagdinig ng senado kaugnay sa ‘Atio’ hazing case
Una rito, inihayag ng ina ni Atio na si Ginang Carmina Castillo na hindi interesado ang kanyang anak na sumali ng fraternity ngunit dahil bunga mismo ng Aegis Juris ang dean ng UST civil law na si Divina ay na-engganyo aniya ito.
PAKINGGAN: Bahagi ng pagdinig ng senado kaugnay sa ‘Atio’ hazing case
Sa kabila nito, nanindigan si Divina na walang dahilan para siya ay mag-leave of absence bilang dekano lalo’t wala naman aniya siyang partisipasyon sa imbestigasyon sa nangyari kay Castillo.
PAKINGGAN: Bahagi ng pagdinig ng senado kaugnay sa ‘Atio’ hazing case