Sinimulan na ngayong araw na ito ng faculty of medicine and surgery ng University of Santo Tomas ang limitadong face-to-face classes para sa clinical clerks.
Ayon sa report ng The Varsitarian ang face to face classes ay tatagal ng isang buwan o hanggang Hulyo 10.
Tiniyak ni Clinical Clerks Council President Michael Cuevas ang pagkakasa ng mga hakbangin upang masiguro ang ligtas na pagsasagawa ng on site classes.
Kabilang dito aniya ang pagpapabakuna ng mga clinical clerks bago dumalo sa face to face classes at pagsunod sa health guidlines na ipinapatupad ng gobyerno at mga dagdag na polisiyang ikinakasa ng mismong kolehiyo.
Ipinabatid ni Cuevas na bago pa mag Marso ay na plantsa na nila ang mga gagamiting pasilidad subalit nagbago lamang ang schedule.
Ino-obliga ng CHED ang on site clerkship para sa mga ga-graduate na medical students.