Itinanggi ng University of Santo Tomas Hospital ang ulat na may isinugod sa kanilang pasyente na may novel coronavirus (2019-nCoV).
Sa ipinalabas na pahayag ng USTH office of medical director, kanilang iginiit na peke ang kumakalat na balita sa social media at text messages hinggil dinalang pasyente sa kanilang hospital na may nCoV.
Pagtitiyak pa ng USTH, may sinusunod silang protocol para sa paghawak ng mga pasyenteng hinihinalang may 2019-nCoV.
Kanila ring pinaalalahanan ang publiko na maniwala lamang sa mga opisyal na abiso na ipinalalabas ng mga kinauukulang ahensiya at ng Department of Health hinggil sa kaso ng nCoV sa bansa.