Malaki ang paniniwala ni dating civil law dean at ngayo’y Sandiganbayan Justice Oscar Herrera na may nangyayaring cover-up sa isinasagawang imbestigasyon sa pagkamatay ng UST law student na si Horacio “atio” Castillo III.
Ayon kay Herrera, dating Presidente ng UST civil law, sa pamilya Castillo dapat nakasuporta ang buong UST makaraang mapatay si Atio sa isang hazing session ng Aegis Juris Fraternity.
Giit nito, kung siya ang tatanungin, dapat munang mag-leave of absence ang kasalukuyang UST civil law dean na si Atty. Nilo Divina upang hindi mabahiran ang isinasagawang imbestigasyon ng mga abugadong senior member ng Aegis Juris fraternity.