Tiniyak ni University of Santo Tomas o UST Faculty of Civil Law Dean Nilo Divina na mananagot ang mga sangkot sa pagkamatay ng hinihinalang hazing victim na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.
Ito ang inihayag ni Divina sa kanyang pakikipag-usap sa mga magulang ni Castillo matapos dumalaw sa ikalawang araw ng burol ng nasabing UST freshman Law student.
Ayon kay Divina kanya nang naka-usap ang adviser ng Aegis Juris Fraternity at kanila na aniyang iniutos sa lahat ng mga nasasangkot na miyembro nito na lumutang at humarap sa imbestigasyon ng kaso.
Una rito, kinansela na ni Divina ang kanyang ipinataw na suspensyon sa mga miyembro ng Aegis Juris Fraternity sa UST para matiyak ang pakikipagtulungan ng mga ito sa imbestigasyon.
Si Divina ay isang kilalang miyembro ng Aegis Juris Fraternity subali’t una nang iginiit na hindi na siya nakikilahok sa mga aktibidad nito simula nang umupo bilang Dean ng UST Faculty of Civil Law.
—-