Kinukunsidera na ni University of Santo Tomas Civil Law Dean Nilo Divina ang pagkalas sa Aegis Juris Fraternity kaugnay ng umano’y pagkamatay sa hazing ng freshman student na si Horacio Castillo III.
Ayon sa abogado ni Divina na si Atty. Estrella Elamparo, nababahala ang dekano sa palitan ng chat mesaages ng kanyang mga ka-frat na nagpaplanong pagtakpan ang pagkamatay ni Castillo.
Sinabi pa ni Elamparo na dismayado din si Divina sa pagbaba ng grado at pagbaba ng kalidad ng mga recruits ng Aegis Juris.
Matatandaang walong taon nang hindi aktibo sa Aegis Juris si Divina simula nang umupo ito bilang dean.
Si Divina ay nahaharap sa mga kasong kriminal gaya ng murder, perjury, obstruction of justice at paglabag sa Anti-Hazing Law na isinampa ng pamilya Castillo.
Gayunman, tiwala ang kampo ni Divina na mapapawalang sala ang dekano dahil sa kawalan ng ebidensya.
—-