Posibleng managot ang University of Santo Tomas sa kaso ng pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo the Third.
Ito ayon kay Commission on Higher Education Executive Director Julito Vitriolo ay kapag napatunayang sinusunod ng UST ang pamamaraan o procedure ng hazing sa Aegis Juris Fraternity.
Giit ni Vitriolo , marami nang mag- aaral ang nasawi dahil sa hazing ngunit kakaunti lamang ang napapanagot dito.
Giit ni Vitriolo , dapat nang amyendahan ang “anti hazing law” dahil sa mga “loophole” ng naturang batas.
SMW: RPE