Parehong nagwagi sa Eastern and Western Conference ng NBA ang utah jazz at Los Angeles Clippers.
Unang nagwagi ang Jazz kontra Philadelphia 76ers sa iskor na 120-85.
Tinambakan ng Jazz ang 76ers sa 1ST hanggang 4TH quarter kung saan, nanguna sa koponan si Bojan Bogdanovic na nakapagtala ng 27 points, 6 rebounds at 2 assists at Jordan Clarkson na may 20 points, 7 rebounds at 1 assist dahilan para maitala ang ika-9 nilang panalo sa konperensya.
Samantala, nilampaso naman ng Los Angeles Clippers ang San Antonio Spurs sa naganap na 6th Western Conference ng NBA sa iskor na 106-92.
Nagwagi sa una, ikatlo at ika-apat na quarter ang Clippers matapos manguna si Power Forward Paul George na pumuntos ng 34 na may 9 na rebound at 4 na assists.
Abangan naman bukas, ang paghaharap ng Jazz at Toronto Raptors alas-diyes ng umaga, oras sa ibang bansa habang makakalaban naman ng Clippers ang Memphis Grizzlies bukas ng alas nuebe ng umaga. —sa panulat ni Angelica Doctolero