Pinataob ng Oklahoma City Thunder ang Utah Jazz sa kanilang pagtutuos ngayong araw.
Dinomina ng Thunder ang laro at tinapos ang pag – asa ng Jazz sa iskor na 100 – 94.
Pinangunahan ni Russel Westbrook ang tagumpay ng Thunder na nakapagtala ng ikalawa niyang sunod na triple double.
Kumana ang reigning MVP ng 34 points, 13 rebounds at 14 assists.
Dahil sa panalo, hawak na ng Thunder ang 11 wins at 12 losses sa Western Conference standings.