Ang utak raw ang pangunahing kumukuha ng sustansiya ng mga pagkain na kinakain natin sa araw-araw kung kaya’t mahalagang busugin ito ng tamang nutrisyon.
Ilan sa mga tinatawag na “brain foods” o mga pagkaing mainam para sa utak ay ang mani, broccoli, avocado, coconut oil at blueberries.
Para naman sa malusog na brain at nerve cells, mahalaga ang vitamin B1 o thiamine. Matatagpuan ang vitamin B1 sa karne, tinapay, kanin, pasta at fortified cereals.
Habang ang rosemary, spinach at whole grains naman ay nakakatulong upang magkaroon ng matalas na memorya.
Kailangan din ng utak ang maraming tubig kaya ipinapayo ang pag-inom ng walong basong tubig araw-araw. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico