Aabot sa mahigit animnaraang bilyong piso (P600-B) ang ginastos ng pamahalaan para ipambayad sa mga utang nito sa katapusan ng Nobyembre noong taong 2017.
Batay sa pinakabagong datos mula sa Bureau of Treasury, mas mababa ito ng labing apat na porsyento (14%) kumpara sa binayaran nitong utang na nasa mahigit pitongdaang bilyong piso (P700-B) sa kaparehong panahon noong 2016.
Umabot sa halos tatlongdaang bilyong piso (P300-B) ang kabuuang interest payments ng Pilipinas na mas mataas ng 1.6% mula sa dating mahigit dalawangdaan at walongpo’’t limang bilyong piso (P285-B).
Dahil dito, bumaba na din ang kabuuang utang panlabas ng Pilipinas sa dalawa punto dalawangdaan at dalawangpo’t siyam na trilyong piso (P2.229-T) mula sa dating dalawa punto dalawangdaan at walongpo’t limang trilyong piso (P2.285-T) na naitala noong oktubre ng nakalipas na taon.