Sumirit na sa $101.2 bilyon o mahigit P5 trilyon ang external debts Pilipinas sa ikalawang quarter ng taon.
Kumpara ito sa $97 bilyon o P4.8 trilyon sa pagtatapos ng unang quarter o hanggang katapusan ng Marso.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Ben Diokno, ang 4.3% increase ay dahil sa net availments na $3.8 bilyon matapos makalikom ang gobyerno ng $3 bilyon sa mula sa issuance ng Euro-denominated global bonds at samurai bonds.
Umutang din anya ang pamahalaan ng $1.3 bilyon mula sa multilateral at bilateral creditors upang pondohan ang general financing requirements at pandemic response programs.
Pangunahing creditor ng Pilipinas ang Japan, Netherlands at United States.—sa panulat ni Drew Nacino