Kumpiyansa ang gobyerno na magsisimula nang bumaba ang utang ng bansa ngayong taon.
Ito’y matapos tumaas ng 4% ang inflation o ang bilis ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin at serbisyo nitong marso taong kasalukuyan.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), mas mataas ito kumpara sa naitalang 3% noong Pebrero pero bahagyang mas mababa kung ikukumpara naman sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
Nabatid na tumaas ang presyo ng mga pangunahing bilihin, kabilang na ang halaga ng tubig, kuryente, gas, at iba pang uri ng panggatong maging ang transportasyon.
Bukod pa dito, tumaas din ang presyo ng mga inuming nakalalasing, tobacco at iba pang kagamitan sa bahay.
Dahil dito, naglatag ng plano ang Bangko Sentral ng Pilipinas upang maibsan ang matinding epekto nito sa bansa dahil narin sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Ayon kay BSP Gov. Benjamin Diokno, pangunahin sa mga plano ang pagsuporta sa fiscal interventions ng gobyerno; social protections para sa mga Pilipino; at pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain.
Dadag pa ni Diokno na kailangan ding ipagpatuloy ng bansa ang pagluluwag ng mga restriksiyon at panatilihin ang monitoring policy support para sa mas mabilis na pagtugon sa epekto ng mabilis na pagtaas ng inflation. —sa panulat ni Angelica Doctolero