Lumobo pa sa bagong record high ang utang ng Pilipinas na pumapalo na sa P11.166-T hanggang nitong nakalipas na buwan ng Hunyo.
Ayon sa Bureau of Treasury (BTR), bahagyang tumaas o nasa .9 % ang utang ng bansa o P94.91-B mula noong Mayo na nasa P11.071-T.
Ipinabatid ng BTR na mahigit 71% ay domestic borrowings o utang sa loob ng bansa at nasa halos 29% naman ang utang ng gobyero sa labas ng bansa.
Sinabi ni RCBC Chief Economist Michael Ricafort na tuluy-tuloy ang paglobo ng utang ng bansa sa gitna ng lumalawig na budget deficit sa mga nakalipas na buwan dahil sa mas pinahigpit na restrictions simula pa ng huling bahagi ng Marso 2021.