Tiniyak ng Malakaniyang na mababayaran na ang mga hotel na nagsisilbing COVID-19 quarantine facility para sa OFW sakaling maayos na ang kaukulang dokumento.
Inihayag ito ng Palasyo kasunod ng ulat na sumipa na umano sa P250-M ang utang ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga hotel.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, aabot na sa halos P2.5-M na o 10% ng utang ng OWWA ang nabarayan na sa mga hotel.
Gayunman, inamin ng kalihim na naging matagal ang proseso ng pagbabatad ng nabanggit na utang dahil sa mga patakarang kailangang sundin upang matiyak na walang mangyayaring anomalya rito.