Tinatayang lolobo sa P640.96 billion ang loans o utang ng pamahaalaan para sa COVID-19 response.
Batay ito sa datos ng Department of Finance (DOF) nitong Disyembre 15, 2020 kung saan halos doble ito sa naitalang loans ng pamahalaan na P371.67 billion noong Hulyo 1, 2020.
Ayon sa DOF, kabilang sa madadagdag na utang ng pamahalaan ang P62.5 billion na gagamitin bilang pambili sa bakuna kontra COVID-19.
Kukunin ito sa mga multilateral banks tulad ng Asian Development Bank, Asian Infrastructure Investment Bank at World Bank na kasalukuyan pang nasa negosasyon.
Maliban dito, mayroon nang naunang loan ang pamahalaan na nagkakahalaga ng P2.54 billion para sa pagtugon kontra COVID-19 na planong i-realign upang magamit din sa pagbili ng bakuna.