Inihayag ng Private Hospital Association of the Philippines (PHAP) na umabot na sa P884-M ang utang ng PhilHealth sa mga pribadong ospital sa General Santos City.
Pangamba ni Dr. Renato Diagan, Pangulo ng lokal na sangay ng PHAP sa Gensan, kung hindi ito mababayaran sa lalong madaling panahon ay maaaring magsara na ang mga ospital sa kanilang lugar.
Ani Diagan, nagrereklamo na ang mga ospital dahil posibleng mahinto ang mga operasyon nito.
Sa ngayon umano ay inaalalayan ng pamahalaan ng sarangani ang ilang mga pribadong ospital gaya ng pagsagot sa gastusin ng ilang mga pasyenteng ipinasok doon.