Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na babayaran nito ang higit sa P900 milyong utang ng PhilHealth sa pamunuan ng Philippine Red Cross (PRC).
Ito ang naging tugon ng Pangulo makaraang ihayag ng PRC na kanilang ititigil ang pagsasagawa ng swab testing dahil sa utang ng PhilHealth.
Sa isinagawang ‘ulat sa bayan ng Pangulo’, sinabi nito kay Health Secretary Francisco Duque III, na wala dapat itong ipag-alala sa utang ng PhilHealth.
Ito’y dahil hahanap ang Pangulo ng paraan para ma-iprisenta ang isyu sa Commission On Audit (COA) maging sa Department of Budget and Management (DBM).
Wag ka mag-alala, mabayaran to. Just looking for a way to present the solution to COA pati sa Budget. Do not worry, we will pay, it will take time but we will pay. We’ll look for the money.” ani Pangulong Duterte
Pero paliwanag ng Pangulo, nakatitiyak siyang hindi magagawang ipatigil ni Senador Richard Gordon na Chairman at CEO ng PRC ang pagsasagawa ng naturang test.
Yung Red Cross kasi hindi nabayaran doon sa testing sa COVID. Ang problema nito, Red Cross is threatening to, I do not know, but I do not think Senator Gordon would have in his mind to stop. They would continue. What I’m really trying to say is we will pay. Sabihin ko kay Senator Gordon, because he heads the Red Cross, na babayaran ko to. We are trying to make both ends meet. Parang lastiko,talagang binabanat natin nang husto yung resources natin.”pahayag ni Pangulong Duterte