Balik sa P550-M ang utang ng PhilHealth sa Philippine Red Cross (PRC).
Ayon ito kay Senador Richard Gordon, National President ng Philippine Red Cross matapos mag reklamo na ang mga ospital sa P20-B na utang sa kanila ng PhilHealth kaugnay sa COVID-19 claims.
Una na aniyang nakabayad ang PhilHealth sa kanila at napababa ito ng P400-M at ngayo’y tumaas na naman sa 550-M ang utang ng ahensya sa PRC.
Sinabi ni Gordon na bankrupt na ang sistema ng PhilHealth at ito ang dapat na unang tinutukan sa simula’t simula.
Dapat aniyang maayos ang computer system ng PhilHealth at hindi mano-mano ang gawin na mabagal at pinag-uugatan ng maraming korupsyon kung may “pampabilis”.