Aabot na sa P6.6 trillion pesos ang utang ng Pilipinas dahil sa ipauutang na P18 billion pesos ng Asia Development Bank (ADB) para ipantustos ng gobyerno sa Conditional Cash Transfer o CCT Program.
Ibig sabihin, kung ang populasyon ng bansa ay mahigit 100 milyon na, ang bawat Pilipino ay may utang ng mahigit P61,000 pesos.
Sa talumpati ni ADB President Takehiko Nakao sa Conference on Sustaining the Gains of the Conditional Cash Transfer in the Philippines na idinaos sa auditorium ng ADB sa Mandaluyong City na dinaluhan nina Pangulong Noynoy Aquino, sinabi nito na isinasapinal na nila ang pagpapautang ng $400 milyon o P18 bilyon para sa CCT Program.
Ang naturang soft loan ay babayaran sa loob ng 25 taon at may limang taon pang grace period.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)