Umabot na sa mahigit pitong trilyong piso ang utang ng Pilipinas, noong Hulyo.
Kumpara ito sa mahigit 6.8 trilyong pisong utang noong Hunyo.
Ito, ayon sa Bureau of the Treasury, ay dahil sa mahinang piso kontra US dollar at pagbebenta ng retail treasury bond.
Pinakamalaking bahagi o 4.6 trillion peso outstanding debt ay nagmula sa local sources habang 2.4 trillion ay mula sa foreign sources.
Samantala, inaasahan naman ng Department of Budget and Management o DBM na aabot sa 7.3 trilyong piso ang magiging utang ng bansa sa pagtatapos ng taon at posibleng lumampas sa 8 trillion pesos sa taong 2019.
Dahil naman ito sa inaasahang implementasyon ng mga naglalakihang infrastructure project ng gobyerno pinondohan ng foreign lenders kabilang ng China.
—-