Sumirit pa sa P11. 64 trilyong ang utang ng Pilipinas sa pagtatapos ng Agosto, kumpara sa P11.61 trilyon na naitala noong Hulyo.
Ito na ang pinakamataas sa kasaysayan ng bansa na nataong kasabay ng COVID-19 pandemic.
Ayon sa Bureau of Treasury, pinakamalaking bahagi ay domestic debts na aabot sa 8.22 trillion pesos habang P3.42 trilyon sa foreign debts.
Una nang tinaya ng gobyerno na lolobo sa P13 trilyon ang outstanding debt ng Pilipinas sa 2022. —sa panulat ni Drew Nacino