Pumalo na sa 16.63 trilyong piso ang pagkakautang ng Pilipinas ayon sa pinaka huling datos ng Bureau of Treasury sa buwan ng Pebrero 2025.
Ayon sa kagawaran, tumaas ng 1.96% kumpara sa 16.31 trilyong pisong pagkakautang ng bansa noong Enero 2025.
Ang pagtaas ng utang ay sanhi ng net issuance ng domestic at external loan upang pondohan ang mga proyektong pang-imprastraktura at mga programang panlipunan.
Samantala, ang 67.5% ng domestic debt habang ang 32.5% naman ay mula sa mga foreign debt.
Inaasahang magpapatuloy ang mga hakbang ng pamahalaan upang mapababa ang debt-to-GDP ratio at masigurong tama ang pamamahala ng utang. —sa panulat ni Jasper Barleta