Posibleng umabot sa mahigit P13-trilyon ang utang ng Pilipinas pagsapit ng 2022.
Ito ang inihayag ni Sultan Kudarat Representative Horacio Suansing sa pagdinig ng mababang kapulungan ng kongreso sa panukalang budget ng Department of Finance sa susunod na taon.
Ayon kay Suansing, halos katumbas ito ng lima59.9% ng gross domestic product (GDP) ng bansa.
Samantala, nangangamba naman si house Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate na pumalo sa P10-trilyon ang utang ng bansa ngayong taon na halos katumbas ng 53.91% ng GDP.
Dahil dito, iminumungkahi ni Zarate ang pagpapaliban muna sa pagbabayad ng utang ng bansa sa World Bank at iba pang financial institutions.
Gayunman, binigyang diin ni Suansing na maaari itong makaapekto sa credit rating ng Pilipinas na magiging hadlang para makahiram ang bansa ng pondo.