Kumpiyansa ang National Economic and Development Authority (NEDA) na kayang mapababa ang utang ng Pilipinas sa ibang mga bansa sa tulong ng bagong papasok at uupong administrasyon.
Nabatid na naiproklama na bilang president elect si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice president elect Sara Duterte-Carpio.
Ayon kay NEDA Chief Karl Kendrick Chua, kabilang sa posibleng maging solusyon ay ang mas pinaigting na pagkokolekta ng buwis at pagbabalik ng face to face classes para tuluyang makabangon at magbukas ang ekonomiya ng bansa.
Iginiit ni Chua na dapat mapagtuunan ng pansin ni Marcos ang lahat ng panukala at programang hindi natuloy bunsod ng COVID-19 pandemic.