Posibleng pumalo sa P15.4 Trillion ang utang ng Pilipinas ngayong taon.
Ito ay matapos lumobo sa P12.76 Trillion ang utang bansa nitong Abril na may Gross Domestic Product debt na 63.5%.
Ayon kay Finance Undersecretary Gil Beltran, kung magpapatuloy ang hindi maingat na paggastos sa pondo ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ay lalaki pa ang utang Pilipinas.
Pinayuhan naman ni Beltran ang gobyerno na gumastos lamang ng pondong kaya ng bansa.
Sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Republic Act 11494, ang DOF ang masusing nagbabantay upang malimitahan lamang sa P140-B ang pondo, sa kabila ng pagtutol ng iba’t-ibang stakeholders.