Nakatakdang mangutang ang Pilipinas ng mahigit 800 Bilyong Piso para sa susunod na taon na gamitin sa pagpapalakas ng ekonomiya gayundin sa mga serbisyong pambayan.
Ito ang kinumpirma mismo ni House Committee on Appropriations Vice Chairman at Albay Rep. Joey Salceda sa pag-arangkada ng debate ng Kamara kaugnay sa panukalang pambansang pondo sa taong 2018.
Dahil dito ayon kay Salceda, aabot na sa 6.4 na Trilyong Piso na ang magiging utang ng Pilipinas na aniya’y pinakamababa kumpara sa ibang bansa sa mundo.
Dagdag pa ng mambabatas, halos 67 Bilyong Piso rito aniya nito ang ibabayad naman sa kasalukuyang utang ng Pilipinas na mag-mamature sa susunod na taon.
By: Jaymark Dagala
SMW: RPE