Aminado si finance secretary Carlos Dominguez na nananatiling mataas ang utang ng bansa sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Gayunman, tiniyak ni Dominguez kay Pangulong Rodrigo Duterte na “manageable” pa naman ang halos P11-T utang ng Pilipinas.
Ipinaliwanag ng kalihim na umabot sa P3.14-T ang total revenue ng bansa noong 2019 habang ang expenditure ay sumampa sa 3 point 8 trillion pesos kaya’t P666-M lamang ang deficit.
Sa kabila nito ay lumaki anya ang deficit noong 2020 at ngayong taon na umabot sa P1.37-T trillion at P1.86-T.
Nilinaw din ni Dominguez na pansamantala lamang ang sitwasyon at sa sandaling tuluyang buksan ang ekonomiya ay babalik ang revenues kung magbabalik normal na sa taong 2022 o 2023. — Sa panulat ni Drew Nasino.