Pumalo na sa $98.5 bilyong P4.7 trilyong ang foreign debt ng Pilipinas sa pagtatapos ng taong 2020.
Sa inilabas ng datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) tumaas ang external balance ng bansa sa 14.9 bilyong dolyar mula sa dating $83.62 bilyong na utang noong 2019.
Ayon kay BSP Governor Benjamin Diokno, nakadagdag sa tumaas na utang ng Pilipinas sa labas ng bansa ang net availments o ang inutang ng pamahalaan na $12.6 bilyong at iba pa.
Gayunpaman, binigyang diin ni Diokno na ang pagkakautang ng bansa ay maitutuiring pa rin na manageable.