Lumobo pa ang utang ng Pilipinas sa mahigit P14- T sa pagtatapos ng 2023.
Batay sa datos ng Bureau of Treasury, umabot na sa P14.616 – T ang utang ng bansa noong nakaraang taon.
Mas mataas ito ng 9% o P1.197 -T , kumpara sa P13.419- Tnoong 2022.
Kaugnay nito, 68.5% sa mga ito ay galing sa domestic debt, habang 31.5% naman ang galing sa external debt o labas na bansa.
Samantala, nasa P1.2 – T ang nautang ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Junior sa unang taon nito. – sa panunulat ni Charles Laureta