Pumalo sa record-high na P16.09 trillion pesos ang utang ng pilipinas sa pagtatapos ng November 2024.
Ayon sa Bureau of Treasury, mas mataas ito ng 0.4% o P70.7 billion pesos kumpara sa national debt noong Oktubre.
Ito’y dahil sa net financing at epekto ng paghina ng piso.
Sa kabuuang utang, P10.92 trillion pesos ang domestic debt, habang umabot naman sa P5.17 trillion pesos ang external obligations o perang inutang sa ibang bansa.