Bahagyang bumaba ang halaga ng utang ng gobyerno hanggang noong katapusan ng Disyembre sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Base sa datos ng Bureau of Treasury, umabot sa 11.73 trillion pesos ang outstanding debt ng national government noong Disyembre kumpara sa 11.93 trillion pesos noong Nobyembre.
Ito, ayon sa ahensya, ay dahil na rin sa net redemption ng domestic securities.
Ang domestic debt ay umabot na sa 8.17 trillion pesos habang nasa 3.56 trillion pesos ang external debts.
Una nang dinepensahan ni Finance Secretary Carlos Dominguez, III ang pagtaas ng programmed debt ng bansa na inaasahangpapalo sa internationally recommended threshold ng 60% ng gross domestic product sa 2022.