Nananatiling manageable ang foreign borrowings ng bansa sa kabila ng record-high debts sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Sa katunayan, nilinaw ng Department of Finance na nananatiling pinakamababa ang nasabing utang sa Asean-5.
Ayon kay retired undersecretary Gil Beltran, chief economist ng DOF, bagaman sumirit ang external debt stock ng Pilipinas sa 106.4 billion dollars noong isang taon, katumbas naman ito ng 27% ng Gross Domestic Product o GDP.
Kumpara ito sa 27.2% noong 2020 o sa panahon na lumagpak ang GDP sa gitna ng pinaka-matinding post-war recession dulot ng pandemya na kalahati anya ng naitalang 57.3% noong 2005.
Sa pinakabagong datos ng Bureau of the Treasury, sa naitalang 12.76 trillion peso outstanding debt ng gobyerno, hanggang noong Abril, tanging 30% o 3.83 trillion pesos lamang ang foreign borrowings.