Iginiit ni Senador Joel Villanueva ang puspusang paniningil ng Bureau of Internal Revenue (BIR) sa P50 bilyong utang na buwis ng mga Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs).
Kasunod aniya ito ng ulat na papaubos na ang calamity fund ng pamahalaan para sa kasalukuyang taon.
Ayon kay Villanueva, maaaring mapagkunan ng pondo ng pamahalaan ang multi-bilyong pisong utang ng mga POGO para magamit sa pagbibigay ayuda sa mga sinalanta ng Bagyong Quinta at Rolly.
Ani Villanuea, nararapat lamang masingil ng pamahalaan ang mga POGO kahi pa marami sa mga ito ang magsasara at papaalis na ng bansa.
Batay sa isang ulat, sinasabing halos masagad na ang calamity fund ng national agencies at mga local government units dahil sa pagtugon sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic bago pa man humagupit ang mga bagyo. —ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)