Inihayag ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na bumaba ang external debt o utang panlabas ng bansa ng 2.6% sa unang tatlong buwan ng taon.
Ayon kay BSP governor Benjamin Diokno, bunsod aniya ito ng naibayad ng Pilipinas na 81.4-bilyong dolyar o katumbas ng mahigit P400-trilyon mula sa pribadong sektor.
Mas mababa ito kumpara sa 83.6-bilyong dolyar o mahigit apat na trilyong pisong naitala ng bsp sa pagtatapos ng nakalipas na taong 2019.
Bukod diyan, sinabi ni diokno na gumanda rin ang outstanding debt ng pilipinas sa 21.4 percent bilang bahagi naman ng gross domestic product o external debt to gdp ratio kumpara sa 22. 2 percent year-on-year.